DIABETES

DIABETES

Ano ang Diabetes Mellitus?

Ang diabetes mellitus ay isang karamdaman kung saan ang katawan ay hindi makalikha ng sapat na insulin o kaya ay hindi makaresponde nang maayos dito. Ang insulin ay ang hormone na naglilipat ng asukal mula sa dugo papunta sa iba’t-ibang cells upang gawing enerhiya ng katawan. Ang sintomas ng diabetes ay hindi madaling mahalata dahil kadalasan ang mga ito ay napagkakamalang pangkaraniwang kondisyon.

May tatlong uri ng diabetes:

Type I Diabetes: Ang pancreas o ang organ ng katawan na gumagawa ng insulin ay sira o kulang. Dahil dito, hindi natatanggap ng katawan ang sapat na dami ng insulin na maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon gaya ng sakit sa puso at bato. Mas karaniwan ito sa mga nakababata, edad 20 pababa, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakatatanda.

Type II Diabetes: May kakayahan ang katawan na gumawa ng insulin ngunit ang dami ay hindi sapat o kaya naman ay hindi ito kayang gamitin ng katawan nang maayos (insulin resistance). Maaaring magkaroon ng malubhang komplikasyon ang Type II kung hindi ito maagapan. Karaniwan ang sakit sa mga nakatatanda, edad 40 pataas, ngunit maaari rin itong makuha ng mga nakababata.

PAANO NAKAKATULONG ANG BARLEY SA MAY DIABETES?

✅ARGININE - Ito ay Amino Acid na tumutulong sa paglaganap ng INSULIN na nagmula sa lapay, Tumutulong din ito sa mabilis na pagpasok ng GLUCOSE sa ating katawan.

✅CHROMIUM - Ito ang nakakatulong sa kakayahan ng INSULIN upang magamit ng ating katawan ang GLUCOSE (asukal). Ito rin ang tumutulong upang makapasok sa ating cells ang Glucose, Dahil dito mapapanatili natin ang NORMAL na BLOOD SUGAR level.

✅VANADIUM - Ito ang tumutulong sa lapay upang gumawa at maglabas muli ng INSULIN na siyang nagdudulot ng NORMAL na BLOOD SUGAR.